Meron ka pa bang nakikitang batang nag-lalaro sa kalye ng tumbang preso? Bihira na ngayon ang nag lalaro sa kalye. Maari nga siguro kung ito ay nasa computer games malalaro ulit ito ng mga bata.
Ako kay dumaan sa panahon na nakapag laro pa bang preso kasamahan ang mga batang kapitbahay. Madalas ang aking kalaro ay mga lalaki dahil sa bilis nila sa pag takbo at ito at dapat mong alisin ang iyong tsinelas upang matamaan ang lata. Kay gandang gunita ang laro na kabataan. Ibabahagi naman sa mga makabagong bata ngayon ang mga larong hindi nila naranasan dahil sa makabagong teknolohiya.
Mga Gamit
- Lata - ang lata ang siyang nagsisilbing sentro ng laro. Maaring ito ay galing sa mga pinaglumaan o mga ginamit nang mga lata ng sardinas, gatas at iba pa. Kailangang hindi gaanong malaki ang lata para hindi ito madaling tamaan.
- Tsinelas - mahalaga ang tsinelas sa laro. Ito ang ginagamit na panira sa lata.
- Bato - maari ring gamitin ang bato sa pagtama sa lata ngunit karamihan ng mga bata ngayon mas pinipili ang tsinelas.
Ang Pagsisimula
Karaniwang nilalaro ang tumbang preso ng lima hanggang sampung bata. Ang mga bata ay namimili ng taya sa pamamagitan ng kamay. Tinatawag nila itong "maiba taya." Una, tatayo ang mga bata ng pabilog at ilalapat nila ang kanilang mga kamay sa gitna ng patong-patong. Babanggitin nila ang katagang "maiba taya" at isa-isang itataas nila ang kanilang mga kamay at sabay bagsak sa gitna pa din. Ang mga kamay ay pwedeng paharap sa lupa o patalikod. Kung sino man ang naiiba ay siyang taya.
Iba iba rin kung minsan ang pagpili ng taya. Merong tinatawag ng "maiba alis" na kung saan kung sino ung naiiba ang siyang aalis hanggang sa isa nalang ang natitira.
Layunin
Kailangan nilang patumbahin ang lata at kunin ang inihagis na tsinelas bago pa man mapatayo ng taya ang lata.
Ang Paglalaro
Binibilugan ng mga manlalaro ang palibot ng lata at inilalagay ito sa gitna. Guguhit ng din ng manuhan para sa ibang manlalaro. Ang taya ay tatayo sa may malapit sa lata at ang ibang manlalaro ay pipila sa manuhan na may layong apat na metro o hanggang saan nila gusto.
Isa-isang titira ang mga manlalaro ng kanikanilang mga tsinelas. Pagnatamaan ng unang manalalaro ang lata, kailangan niyang kunin ang kanyang tsinelas at bumalik sa manuhan bago paman mabalik ng taya ang lata sa puwesto.
Paghindi natamaan ng unang manlalaro ang lata ay tatayo siya sa lugar na kung saan nakalagay ang kanyang tsinelas at maghihintay sa pangalawang manlalaro na patumbahin ang lata.
Kung mabilis ang taya at mabalik niya ang lata sa puwesto at maabutan pa niya ang manlalarong kumukuha ng tsinelas, ang manlalaro na nahuli ay siya nang taya.
Mga Dapat Tandaan
- Hindi maaring tayain ng taya ang isang manlalaro na hindi nakatama sa lata paghindi pa nahahawakan ng manlalaro ang kanyang tsinelas.
- Ang manlalaro ay hindi maaring bumalik sa manuhan kung hindi niya nakukuha ang kanyang tsinelas.
- Kung hindi hahawakan ng manlalaro ang kanyang tsinelas hindi siya maaring tayain ng taya.
- Kung maraming hindi nakatama mas madaling makahuli ng manlalaro.
- Kung ang tsinelas ay nakapuwesto sa may guhit na bilog sa lata, maaring tapakan ng taya ang tsinelas sabay apak sa lata. Sa ganitong paraan ang may-ari ng tsinelas na naapakan ay siyang magiging taya.
Source:
Wiki Filipino
who we are. what we do. where our heart is.
www.linxprovi8.com
No comments:
Post a Comment